Nakatambay ako sa facebook nang imessage ako ng dati kong klasmeyt na si Jayson Friday. Hinihingi daw ni Delayt ang aking phone number.
Well, i sent a private message to Layt, yung number ko. Ewan ko, that time naeexcite ako. I was hoping na tatawag siya—hindi nga ako nagkamali.
Sino ba si Delayt?
Good question…
Ito yung mga istoryang tinatago ko sa aking baul ng aking alaala. Yung mga pangyayaring hindi ko malimutan kahit anong gawin ko dahil alam kong malaki ang naiambag niya sa aking pagkatao, alam mo yun? Yung mga tipong ganon…
========
Grade 4 ako nun, bagong lipat sa Cavite. Transferee sa private school. Mula all-girls school papuntang CoEd… Tandang-tanda ko pa kung pano ako nanibago sa set-up ng isang school.
Hindi ito isang ordinaryong silid aralan, maliit kumpara sa nakagisnan ko. Merong 3 pahalang na hanay, direcho, walang puwang na namamagitan sa mga silya kada hanay.
Kakaunti pa lang yun tao. Napagpasyahan kong umupo sa harapan. Tumabi ako sa isang babae na nakaupo na sa dulo ng hanay. Hindi ako friendly tuwing unang araw ng pasukan. Lagi kong kasession yung bago kong supply ng papel at ang lapis kong mongol. Madalas akong nagdo-drawing. Naging outlet ko na siguro yun para maibsan ang awkwardness sa bagong environment.
Napag-alaman ko na Delayt ang pangalan ng katabi ko. Sounds unique. Nung una naninibago ako sa pangalan niya. There was certain kind of weirdness in her name tho familiar na sa akin ang salitang delayt. Parehas kaming transferee.
Hindi ko alam kung tadhana ba ang magkatabi ang parehas na bagong salta sa isang bagong environment.
Naging maganda ang pakikipagkaibigan ko kay Delayt. May ups and downs. Sa loob ng sampung buwan ng pag-aaral ng grade 4, itinuring ko siyang matalik na kaibigan—kasama nina Perl at Jalil. dahil uso nang mga panahong yun ang teletubbies, ang pangalan ng aming group ay PLDJ[oha! maipilit!
]
Ito yung barkadahang hindi ko malimutan sa tanang ng buhay ko. Na kahit isang taon lang ang nilagi ko sa CHA, buong-buo ang paniniwala ko na kasama ko silang humubog sa aking pagkatao… Na merong parte ng pagkatao ko na naging bunga dahil nakasama ko sila at nakisama ako sa kanila.
=======
Nang tumawag sa akin si Delayt, there’s too much excitement I couldn’t contain. Lumabas pa ako ng war room makausap ko lang ang isa sa pinakamatalik kong kabigan.
Biset kasi yung mga kasama ko, makakanchaw akala mo karelasyon ko yung kausap ko. Hello?! HAHAHAHAHA.. nakakahiya tuloy sa kaniya.
Dahil nacucurious daw siya sa boses ko coz it’s been 10 years since na magkausap kami ng personal. At may chumika pa sa kaniya—tenkyu Maykel— na ang cute daw ng boses ko. HUH? LOL! Hindi pa ako nacucutan sa sarili kong boses—pag nagrerecord lang ako tuwing nasa CR ako, o kaya kapag kumakanta ako tuwing naliligo, pero never pa akong nacutan sa boses ko sa isang normal conversation…oh, wait… Excited pala ako nung kinausap niya ako kaya siguro naka high pitch ako nun.
)
Nakakatuwa lang… Kahit walang masyadong pinagusapan, parang andami naming pinagusapan. Nagkamustahan.
Nakakatuwa nga eh, sabi niya hindi daw akong awkward kausap. Konti lang ang dead air… Pero sa totoo lang, mahirap humagilap ng pag-uusapan… Siguro kasi kapag gusto mong maki-update sa buhay-buhay ng mga tao, marami kang gustong itanong, marami kang gustong malaman. Sakto lang naman mga tanong ko… LOL.
I did miss her. Even Perl and Jalil… I guess, kasi dito ako nagumpisang magkaron ng tunay na barkada… I’ll explain some other time kung bakit at papano nangyare yun
